MGA ORDINANSANG ATING IPINANUKALA, UMUUSAD NA!

Matapos lamang ang ilang araw na tayo po ay nakaupo bilang konsehal, TATLONG RESOLUSYON na po ang matagumpay nating naisumite sa Sangguniang Bayan. Ngunit tayo po ay nagsisimula pa lamang!

Bilang Committee Chair sa Committee on Appointments, narito naman po ang LIMANG ORDINANSANG tayo ang may akda at ngayon ay pasado na sa first reading!

Layunin po ng mga ordinansang ito na maisulong ang karapatan, interes, at kapakanan ng lahat ng mangagawa sa loob ng munisipyo ayon sa itinadhana ng batas at kautusan.

Panahon na para mabigyang pansin ang kanilang mga kontribusyon at pagsusumikap maging ang kanilang kalagayang pangkalusugan upang mas maging maayos ang kanilang

pagbibigay serbisyo sa ating mga

kababayan, lalo’t higit, upang makatulong sa kanilang mga pamilya.

Umaasa po ako na ang mga ito ay sasang-ayunan ng konseho

para sa ating mga empleyado at

sa para sa Bayan ng Talavera.

MAY PAG-ASA!

ORDINANCE AUTHORED

“An Ordinance Granting Step-in-crement Due to Performance and Step-increment Due to Length of Service of All Personnel of the Local Government of Talavera by Providing Funds Thereof and for Other Purposes.

“An Ordinance Creating and Establishing Program on Awards and Incentives for Service Excellence (Praise) for the Local Government Personnel of Talavera, Its Composition and Providing Funds Thereof.”

“An Ordinance Granting Barangay Health Workers Eligibility in the Municipality of Talavera Pursuant to R.A. 7883 of 1995 otherwise Known as “Barangay Health Workers Benefits and Incentives Act of 1995 and for other purposes.”

“An Ordinance institutionalizing Occupational Safety and Health (OSH) of all the Personnel of Talavera Local Government Unit by Providing Funds Thereof and for Other Purposes.”

“An Ordinance Providing / Estabilishing Health and Medical Check-up Program for Talavera Government Personnel by Providing Funds and for Other Purposes.”

#AGL#TaLOVEvera#KonsiAriesInAction

Leave a Comment

You must be logged in to post a comment.